Introduksyon
Ang
Salaysalakbay ay isang impormatibong booklet na naglalaman ng mga natatanging
pook na naging bahagi ng kasaysayan ng mamamayang Pilipino sa loob ng Malolos,
Bulacan. Ang Booklet ay naglalaman din ng kaalamanan patungkol sa nasabing mga
pook, maikling pagsubok at magsilbing talaan ng iyong karanasan.History of Malolos
Ang Lungsod ng
Malolos (o City of Malolos sa wikang Ingles) ay isang unang bahaging lungsod sa
Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan. Ito ang kabisera ng lalawigan. Matatagpuan
ito mga 40 kilometro sa hilaga ng Maynila. Hangganan ng Malolos ang Calumpit sa
hilaga, ang Plaridel at Bulacan sa silangan, ang Paombong sa kanluran at look
ng Maynila sa timog. May populasyon ito ng 175,291 katao sa 36,663 mga
sambahayanan sang-ayon sa sensus noong 2000.
Kilala ang Bayan ng Malolos sa pagiging
kabisera ng Unang Republika ng Pilipinas. Naglundo rito ang maraming
patriotikong nakilahok sa pagtatayo ng Republika ng Pilipinas. Sa simbahan ng
Barasoian ginawa’t pinagtibay ang Unang Konstitusyon ng Pilipinas at ang
Katedral ng Malolos ang nagging tanggapan ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang
Pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan kasama niya ang tagapayo at kalihim na
si Apolinario Mabini.
Batay
sa alamat, nagbuhat ang pangalang "Malolos" sa salitang Tagalog na
"Paluslos". Ang kahulugan ng salitang ito ay pagdaloy o pag-agos ng
tubig buhat sa ilog patungo sa mga bayan ng Plaridel (Quingua) at Calumpit.
Kung bumabaha, ang agos o paluslos ay patungo sa Ilog Pasig, kaya ang bayang
ito ay tinawag na Malolos. Ito rin daw ay sanhi ng di pagkakaunawaan ng mga
unang misyonerong nakarating sa pook na iyon. Nakakita raw ang mga pari ng mga
katutubong naninirahan sa baybayin (Kanalate ngayon ang tawag sa pook na ito).
Tinatanong nila ang pangalan ng pook na iyon. Hindi naintindihan ng katutubo
ang tanong ng mga misyonero. Pababa iyong pook kaya sinabi niyang
"paluslos". Hindi naman iyon mabigkas ng mga misyonero at
"malolos" ang bigkas nila. Simula noon iyon na ang nagging tawag
dito.
Buhat
sa isang maliit na pamayanan ang Malolos na sinimulan ng mga misyonerong
Kastila. Dating basal na kagubatan ito na nilinis ng mga Kastila (na kung saan
nakuha ang mga pangalan ng barangay nito - sa mga "Punong-kahoy"). Sa
gayon, dumami na ang populasyon, lalong lumaki ang pook nang magkaroon ng
malaking simbahan. Simula pa noong 1580, sinimulan na ang pagtatayo ng
munisipyo sa Paseo del Congreso na ngayo’y bahagi ng Barangay San Agustin.
Hinati
ang Malolos noong 31 Agosto 1859 sa tatlong distrito: Poblacion, Barasoian at
Sta. Isabel, bawa’t bayan ay may "kapitan" at "Kura
Paroco". Noong 1903, ang Barasoain at Santa Isabel ay isinamang muli sa
Bayan ng Malolos.
Ang
Malolos ay naging kabisera ng Pilipinas nang ilipat ni Heneral Emilio Aguinaldo
ang Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Malolos noong 10 Setyembre 1898. Ang pagiging
kabisera ng Malolos ay tumagal hanggang 31 Marso 1899 nang masakop ni Heneral
Arthur McArthur ang Malolos.
Bulacan Capitol
Ang kapitolyo ng bulacan ay matatagpuan sa tabi ng pangunahing highway na patungo sa pampanga o di kaya ay maynila, ang itsura at disenyo ng kapitolyo ay sinasabing ginawa o binuo noong panahon ng pananakop ng mga amerikano taong 1950's. Magarbo kung titingnan mula sa plaza ang buong kapitolyo, nagtataglay ito ng pinagsamang neyo-klasikal at malikhaing disenyo. Sa loob nito, nangingibabaw ang istilo kaysa mga kaganapan. Ito ay mayroong kahanga-hanga ngunit dakilang impresyon sa ating probinsya.
Ito ay isang malaking kulay puting edipisyo sa pangunahing (main) highway. Nandito ang mga opisina ng gobernador pati na rin ang panlalawigang tanggapang administratibo. Ang kapaligiran ng gusali ay pinapanatiling maganda at maayos. Sinabing ang Malolos ay isa sa mga pinakamalinis na bayan sa buong bansa.
Barasoain Church
Kilala rin bilang "Our Lady of Mt. Carmel Parish Church", romano katolikong simbahan na itinayo noong 1630 sa bayan ng Malolos lalawigan ng Bulacan. Taglay nito ang titulong "Cradle of Democracy in the East", pinakamahalaga at relihiyosong straktura sa Pilipinas, dito itinatag ang unang republika ng Pilipinas, ang simbahang ito ay "proverbial" dahil sa kahalagahang binigay nito sa kasaysayan nating mga Pilipino.
Noong nagsimula ang rebulusyon, ang mga otoridan na spanyol ay ginamit ang katagang "baras ng suwail," na ibigsabihin ay "dungeon of the defiant" dahil ang simbahan ay nagsilbing tagpuan ng mga anti-Spanish at anti-colonial illustrados.
Cojuanco’s House
Ang mansyon ni Jose Cojuanco ay matatagpuan sa Paseo Del Congreso malapit sa simbahan ng Barasoain, ito ay ang matanda at orihinal na bahay ni Jose Chichioco Cojuanco.
Si Jose Chichioco Cojuanco ay dating kinatawan ng unang distrito ng Tarlac. Si Cojuanco ay ang patriyarka o pinuno ng kanilang angkan. Siya din ang ama ng dating pangulong Corazon Cojuanco Aquino at lolo ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na si Pang. Benigno Aquino III.
Ang maliit na bahay sa tabi ay isang kamalig na imbakan ng palay. Ang nanay ni Jose Cojuangco ay pumupunta sa binondo, Manila gamit ang sasakyang bangka.
Casa Real
Ang Casa Real ay isang palimbagan noon na matatagpuan sa Republika ng Malolos, ito ay muling isinaayos noong 1852 at ginawang silid aklatan ng munisipalidad. Sa kasalukuyan, ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng National Historical Institute at nagsisilbing huling sisidlan o taguan ng mga memorabilya na nananatiling buhay.
Casa Real ay inihandog para sa 20 kababaihan ng Malolos na tumulong upang maitayo ang “first adult school for women” noong 1889. Lahat ng 20 kababaihan ng Malolos mula sa Chinese-Filipino na pamilya at nanirahan sa pariancillo o Chinese mestizo district ng Malolos.
Casa Tribunal
Casa Tribunal de Malolos, itinayo noong 1800s na pagmamay-ari ng Adriano Clan, at naging kulungan noong First Philippine Republic.
Ito ay itinayo noong 1800s at ginamit na orihinal and kauna-unahang Municipal Hall ng Malolos mula 1859 hanggang 1899.
Instituto De Mujeres
Ito ay matatagpuan sa Sto Nino street sa Calle Pariancillo. Dito ipinadala ni Rizal ang tanyag na liham niya para sa 21 kababaihan ng Malolos na nagpetisyon kay Gobernor General Valeriano Weyler para sa “night school for women” noong Disyembre 12, 1888.
Ang translasyon ng “Mujeres” sa ingles ay women.
Bautista House
Ang mansyon ng Bautista-Uytangcoy sa Sto. Niño St. ay mayroong neo-klasikong disenyo at itinayo noong 1850s na muling inayos o pinaganda noong 1877 na may temang “French Art Nouveau style”. Ito ang Secretaria de Fomento at tahanan ni Don Antonio Bautista, (Aguinaldo's Secretary of the Interior). Matatagpuan ditto ang mga memorabilya kabilang na ang orihinal na watawat ng KKK at dito kinausap nina José Rizal at Marcelo H. del Pilar ang 21 kababaihan ng Malolos noong Hunyo 27, 1892.
Nasa loob matatagpuan ang ilang obra nina Fernando Amorsolo, Lorenzo Guerrero at Felix Ressureccion-Hidalgo.
The Lino and Reyes House
It is along Estrella Street, across the cathedral. This house served as the office of Apolinario Mabini when he was appointed as chief adviser to President Aguinaldo. It was said that Mabini and Aguinaldo were often heard arguing from this house. It once housed Aguinaldo's Secretary of Exterior. It has an octagonal rose window and a weather vane on top of the roof.
Ang bahay na ito’y ginamit ni Apolinario Mabini bilang kanyang opisina noong malolos Congress, sabi nila dito din palaging nagtatalo sina Mabini at Aguinaldo.
Katedral
ng Malolos
Ang Katedral ng Malolos na mas kilala
sa Basilica Minhore dela Immaculada Concepcion, naging
unang presidential quarters ni Hen. Emilio Aguinaldo, pangulo ng unang
republika ng Pilipinas. Sa panahon ng administrasyon ni Aguinaldo, ang Malolos
partikular na ang katedral ay ang naging sentro ng gobyerno.
Sinunog ng pwersa ni Pangulong
Aguinaldo ang simbahan ng Malolos matapos nila itong lisanin papatakas sa
parating na mga Amerikano, Marsh 31, 1899.
Kalayaan
Tree
Matatagpuan sa harap ng Basilica Minore.
Ito ay isang daang taong puno mas kilala sa tawag na kalayaan tree o Siar tree
na itinanim ni Pangulong Aguinaldo sa panahon ng paghinto ng makasaysayang
Malolos Convention.
Ang unang pangulo ng pilipinas Gen. Aguinaldo ang siyang
nagtanim nito.sinasabi na dito madalas naguusap si Gen. Aguinaldo ng pulitikal
na diskusyon.
|
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento