History of Bulakan, Bulacan
Ang pangalang "Bulakan" ay nagmula sa
Tagalog na salitang "bulak" na “cotton” sa Ingles. Nang dumating ang
mga Espanyol sa baybayin ng ating bansa, nakakita sila ng bulak, hindi tulad ng
ibang puno, ito ay tumutubo sa maraming lugar sa Luzon, partikular na ang
Bulakan.
Bago pa dumating ang mga Espanyol, ang
Bulakan pati na rin ang ibang bayan sa probinsya ng Bulacan, ay mayroon ng mga
barangay (isang salitang hinango sa pangalan ng bangka na ginamit ng mga Malay
na pumunta ditto sa Pilipinas. Ayon sa website ng Bulacan,
“These predecessors of our ancestors settled in different parts of
the archipelago, and their villages and barangays were each headed by a petty
chieftain who bore the title "Gat" as is Gat-Maytan, Gat-Salian, and
"Gat-Dula", and "Lakan" as in Lakandula.”
Ang mga unang nanirahang tao sa bansa ay namuhay malapit sa baybayin o
mga ilog kaya tinawag silang “taga-ilog”. Sila ay masisipag at nabuhay lamang
sa pamamagitan ng pagsasaka, pangingisda at paghahabi.
Noong taong 1591, ang bayan ng
Bulacan ay mayroon ng 4800 na tao. Mayroon na ding isang Agustinong kumbento at
isang alcalde mayor na may kapangyarihan sa buong bayan ng Malolos, Caluya (na
ngayon ay Balagtas na dating Bigaa), Guiguinto at Meycauayan. Ang Bulakan,
bilang kauna-unahang kapital ng probinsya, ay madals makipagkalakalan noon sa
Maynila, marahil dahil sa malawak na katubigang nakapaligid dito pati narin ang
mga ilog. Ito rin ang lugar kung saan naganap ang labanan sa pagitan ng mga
Espanyol na pinamunuan ni Simon de Anda Salazar at ng mga tiga-Britanya noong
Enero 18, 1763.
“The British sent an
expedition of 400 Britishers, 300 Malabar Negroes and 2,000 Chinese allies. The
Spaniards with the natives of Bulacan made a gallant stand but were defeated.”
Ang Bulakan ay patuloy paring nakikipagkalakalan sa mga kalapit na bayan at
Maynila, ito ay isang lugar na sagana sa mga historikal at magandang nakaraan.
(http://www.bulacan.gov.ph)
1st Destination: Marcelo del Pilar’s Shrine
Si Marcelo H. del Pilar ay isa sa
mga lumalaban para sa Pilipinas, manunulat at editor ng rebolusyonaryong
dyaryong La Solidaridad, ay kinikilala sa kanyang monumento sa Bulacan kung
saan siya ay tumira. Ang shrine ay nasa pangangasiwa ng National Historical
Institute. Noong August 1, 2011, ang bayan ng Bulakan ay ipinagdiwang ika-161
kaarawan ng kanilang pinaka-ipinagmamalaking mamamayan, si Marcelo H. del Pilar
na kilala rin sa tawag na Plaridel. Dahil sa kanyang makabansang akda sa La Solidaridad
at mga pamphlet ay kinikilala siya bilang Ama ng Journalismo sa bansa.
Kinikilala din siya ng marami bilang Ama ng Freemansonry sa Pilipinas.
2ND Destination:
Marcelo del Pilar’s House
Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (30 Agosto 1850 - 4 Hulyo 1896),
kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Pinalitan
niya si Graciano López Jaena bilang patnugot ng La
Solidaridad.
“Lola Bening” (del Pilar's
granddaughter) said that the original house was torn down. This house is just a
replica of the original. This is where Plaridel was born and where he spent his
youth. The whole property was reacquired later on by Lola Bening. It measures
4,027 square meters, but she had no doubts of donating it to the government for
the sake of national patrimony. The shrine is now under the custody of the
National Historical Commission of the Philippines
3rd Destination: Gen. Gregorio del Pilar’s
Birthplace
Pinakamahalagang yugto sa buhay ni Goyo:
- Sumapi sa katipunan nung 21 taong gulang pa lamang noong 1896
- Kasamang lumaban sa Kakarong de Sili noong January 1, 1897
- Isa sa mga lumagda sa "pact of biyak na bato" noong 1897
- Sumama kay Aguinaldo noong ipatapon ito sa HongKong
- Itinalaga ni Hen. Aguinaldo bilang Diktador ng Bulacan at Nueva Ecija noong digmaang Amerikano at Filipino
- Noong 1899, naging ganap ng Heneral at kanang kamay ni Aguinaldo
- Governor ng militar sa Pangasinan
4th Destination: Soc Rodrigo’s House
Si
Francisco Soc Rodrigo ay isang politiko sa Pilipinas. Ipinanganak sa Bulacan
noong 1914. Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de Manila at namatay noong Enero
1998 dahil sa kanser. Siya ay dating pangulo ng Catholic Action. Hindi siya
sang-ayon sa pagkakapasa ng Batas Republika Blg. 1425 na higit na kilala sa
tawag na Batas-Rizal na naglalayong isama sa kurikulum ng lahat ng kolehiyo sa
Pilipinas na pag-aralan ang Noli me Tangere at El Filibusterismo.
5th
Destination: Enriquez Ancestral House
Itinayo noong 1850s,
ito ay isa sa mga pamanang bahay (ancestral house) sa San Jose, Bulakan,
Bulacan. Ang ilan sa mga dokumento ni Marcelo H. del Pilar ay matatagpuan dito.
Mayroon ding makikitang mga bihira at kahanga-hangang mga antigo at iba’t ibang
makasaysayang bagay. Ito ay kasalukuyang pagmamay-ari ni Milagros Enriquez
isang food historian.
6th Destination:
Nuestra Señora dela Asuncion Parish Church
Ang simbahan ng Nuestra Senora dela
Asuncion ay ang pinakamatandang simbahan ng mga katoliko sa Bulacan, mayroon
itong “baptismal book” noong 1578.
Itinuturing itong napakahalagang artifact dahil ito ay 400 taon na at hindi
nasira ng sunog o digmaan. Sa unang pahina ng libro ay ang pangalan ng bayan ng
Bulakan, Balgio, Bulakan(Camino Real), Daang Estacion, Matungao, Cupang, BanBan,
Dapdap, Parian, Balubad, Pitpitan, Maysantor, Acsajo, Paniqui, San Nicolas,
Nagdasig, Calungusan, Taliktik at Sta. Ana.
7th
Destination: Plaza del Pilar
"Plaza del Pilar" ay isang
parangal para kay Heneral Gregorio del Pilar ng Brgy. San Jose. Ang mga
Bulakeños ay ipinadiriwang ang kanyang kaarawan tuwing ika-14 ng Nobyembre at tinawag
nila itong “14 de Noviembre”.
Mga Titulo at taguri
kay Hen. Gregorio del Pilar
- Bayani ng Tirad Pass
- Agila ng Rebolusyon
- Pinakabatang Heneral ng Katipunan at Rebolusyon
- Kanang kamay ni Hen. Emilio Aguinaldo
- Diktador ng Bulacan at Nueva Ecija noong digmaang Filipino-America
- Governor ng militar ng Pangasinan noong 1899
8th
Destination: Centro del Pilar
Ang Centro
del Pilar na naghihiwalay sa magkabilang lansangan ng Calle Camino ay itinayo
mula sa guguling pambayan sa ilalim ng masusing pangangasiwa nina: Kgg.
Anacleto R. Meneses D.M.D- Punong Bayan at Kgg. Rosalie V. Lava- Pangalawang
Punong Bayan.
9th
Destination: Bulakan, Bulacan Municipal Hall
Ang Bayan ng Bulacan ay
isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay
may populasyon na 62,903 katao sa 13,577 na kabahayan. Sa bayang ito
ipinanganak si Marcelo H. del Pilar, isang Pilipinong makabayan na naglimbag ng babasahing La Solidaridad. Dito rin ipinanganak ang kanyang
pamangking si Gregorio del Pilar, isang Pilipinong Heneral noong himagsikan, at ni Soc Rodrigo, dating senador ng Pilipinas. Naging kabisera din ito ng lalawigan ng
Bulacan hanggang 1930.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento