Miyerkules, Hunyo 4, 2014

DO-IT-YOURSELF HERITAGE TOUR IN BULAKAN, BULACAN



History of Bulakan, Bulacan

Ang pangalang "Bulakan" ay nagmula sa Tagalog na salitang "bulak" na “cotton” sa Ingles. Nang dumating ang mga Espanyol sa baybayin ng ating bansa, nakakita sila ng bulak, hindi tulad ng ibang puno, ito ay tumutubo sa maraming lugar sa Luzon, partikular na ang Bulakan. 

          Bago pa dumating ang mga Espanyol, ang Bulakan pati na rin ang ibang bayan sa probinsya ng Bulacan, ay mayroon ng mga barangay (isang salitang hinango sa pangalan ng bangka na ginamit ng mga Malay na pumunta ditto sa Pilipinas. Ayon sa website ng Bulacan,

“These predecessors of our ancestors settled in different parts of the archipelago, and their villages and barangays were each headed by a petty chieftain who bore the title "Gat" as is Gat-Maytan, Gat-Salian, and "Gat-Dula", and "Lakan" as in Lakandula.”


            Ang mga unang nanirahang tao sa bansa ay namuhay malapit sa baybayin o mga ilog kaya tinawag silang “taga-ilog”. Sila ay masisipag at nabuhay lamang sa pamamagitan ng pagsasaka, pangingisda at paghahabi.

            Noong taong 1591, ang bayan ng Bulacan ay mayroon ng 4800 na tao. Mayroon na ding isang Agustinong kumbento at isang alcalde mayor na may kapangyarihan sa buong bayan ng Malolos, Caluya (na ngayon ay Balagtas na dating Bigaa), Guiguinto at Meycauayan. Ang Bulakan, bilang kauna-unahang kapital ng probinsya, ay madals makipagkalakalan noon sa Maynila, marahil dahil sa malawak na katubigang nakapaligid dito pati narin ang mga ilog. Ito rin ang lugar kung saan naganap ang labanan sa pagitan ng mga Espanyol na pinamunuan ni Simon de Anda Salazar at ng mga tiga-Britanya noong Enero 18, 1763.
“The British sent an expedition of 400 Britishers, 300 Malabar Negroes and 2,000 Chinese allies. The Spaniards with the natives of Bulacan made a gallant stand but were defeated.”
             Ang Bulakan ay patuloy paring nakikipagkalakalan sa mga kalapit na bayan at Maynila, ito ay isang lugar na sagana sa mga historikal at magandang nakaraan. (http://www.bulacan.gov.ph)




1st Destination: Marcelo del Pilar’s Shrine
Si Marcelo H. del Pilar ay isa sa mga lumalaban para sa Pilipinas, manunulat at editor ng rebolusyonaryong dyaryong La Solidaridad, ay kinikilala sa kanyang monumento sa Bulacan kung saan siya ay tumira. Ang shrine ay nasa pangangasiwa ng National Historical Institute. Noong August 1, 2011, ang bayan ng Bulakan ay ipinagdiwang ika-161 kaarawan ng kanilang pinaka-ipinagmamalaking mamamayan, si Marcelo H. del Pilar na kilala rin sa tawag na Plaridel. Dahil sa kanyang makabansang akda sa La Solidaridad at mga pamphlet ay kinikilala siya bilang Ama ng Journalismo sa bansa. Kinikilala din siya ng marami bilang Ama ng Freemansonry sa Pilipinas.




2ND Destination: Marcelo del Pilar’s House
Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (30 Agosto 1850 - 4 Hulyo 1896), kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Pinalitan niya si Graciano López Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad.
 “Lola Bening” (del Pilar's granddaughter) said that the original house was torn down. This house is just a replica of the original. This is where Plaridel was born and where he spent his youth. The whole property was reacquired later on by Lola Bening. It measures 4,027 square meters, but she had no doubts of donating it to the government for the sake of national patrimony. The shrine is now under the custody of the National Historical Commission of the Philippines





3rd Destination: Gen. Gregorio del Pilar’s Birthplace

Pinakamahalagang yugto sa buhay ni Goyo:
  • Sumapi sa katipunan nung 21 taong gulang pa lamang noong 1896
  • Kasamang lumaban sa Kakarong de Sili noong January 1, 1897
  • Isa sa mga lumagda sa "pact of biyak na bato" noong 1897
  • Sumama kay Aguinaldo noong ipatapon ito sa HongKong
  • Itinalaga ni Hen. Aguinaldo bilang Diktador ng Bulacan at Nueva Ecija noong digmaang Amerikano at Filipino
  • Noong 1899, naging ganap ng Heneral at kanang kamay ni Aguinaldo
  • Governor ng militar sa Pangasinan







4th Destination: Soc Rodrigo’s House
Si Francisco Soc Rodrigo ay isang politiko sa Pilipinas. Ipinanganak sa Bulacan noong 1914. Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de Manila at namatay noong Enero 1998 dahil sa kanser. Siya ay dating pangulo ng Catholic Action. Hindi siya sang-ayon sa pagkakapasa ng Batas Republika Blg. 1425 na higit na kilala sa tawag na Batas-Rizal na naglalayong isama sa kurikulum ng lahat ng kolehiyo sa Pilipinas na pag-aralan ang Noli me Tangere at El Filibusterismo. 





5th Destination: Enriquez Ancestral House
Itinayo noong 1850s, ito ay isa sa mga pamanang bahay (ancestral house) sa San Jose, Bulakan, Bulacan. Ang ilan sa mga dokumento ni Marcelo H. del Pilar ay matatagpuan dito. Mayroon ding makikitang mga bihira at kahanga-hangang mga antigo at iba’t ibang makasaysayang bagay. Ito ay kasalukuyang pagmamay-ari ni Milagros Enriquez isang food historian.




6th Destination: Nuestra Señora dela Asuncion Parish Church
            Ang simbahan ng Nuestra Senora dela Asuncion ay ang pinakamatandang simbahan ng mga katoliko sa Bulacan, mayroon itong “baptismal book”  noong 1578. Itinuturing itong napakahalagang artifact dahil ito ay 400 taon na at hindi nasira ng sunog o digmaan. Sa unang pahina ng libro ay ang pangalan ng bayan ng Bulakan, Balgio, Bulakan(Camino Real), Daang Estacion, Matungao, Cupang, BanBan, Dapdap, Parian, Balubad, Pitpitan, Maysantor, Acsajo, Paniqui, San Nicolas, Nagdasig, Calungusan, Taliktik at Sta. Ana.





7th Destination: Plaza del Pilar
            "Plaza del Pilar" ay isang parangal para kay Heneral Gregorio del Pilar ng Brgy. San Jose. Ang mga Bulakeños ay ipinadiriwang ang kanyang kaarawan tuwing ika-14 ng Nobyembre at tinawag nila itong “14 de Noviembre”.
Mga Titulo at taguri kay Hen. Gregorio del Pilar
  •  Bayani ng Tirad Pass
  • Agila ng Rebolusyon
  •  Pinakabatang Heneral ng Katipunan at Rebolusyon
  •  Kanang kamay ni Hen. Emilio Aguinaldo
  • Diktador ng Bulacan at Nueva Ecija noong digmaang Filipino-America
  • Governor ng militar ng Pangasinan noong 1899






8th Destination: Centro del Pilar
          Ang Centro del Pilar na naghihiwalay sa magkabilang lansangan ng Calle Camino ay itinayo mula sa guguling pambayan sa ilalim ng masusing pangangasiwa nina: Kgg. Anacleto R. Meneses D.M.D- Punong Bayan at Kgg. Rosalie V. Lava- Pangalawang Punong Bayan.





9th Destination: Bulakan, Bulacan Municipal Hall
Ang Bayan ng Bulacan ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 62,903 katao sa 13,577 na kabahayan. Sa bayang ito ipinanganak si Marcelo H. del Pilar, isang Pilipinong makabayan na naglimbag ng babasahing La Solidaridad. Dito rin ipinanganak ang kanyang pamangking si Gregorio del Pilar, isang Pilipinong Heneral noong himagsikan, at ni Soc Rodrigo, dating senador ng Pilipinas. Naging kabisera din ito ng lalawigan ng Bulacan hanggang 1930.















Lunes, Hunyo 2, 2014

DO-IT-YOURSELF HERITAGE TOUR IN MALOLOS

Introduksyon  
          
Ang Salaysalakbay ay isang impormatibong booklet na naglalaman ng mga natatanging pook na naging bahagi ng kasaysayan ng mamamayang Pilipino sa loob ng Malolos, Bulacan. Ang Booklet ay naglalaman din ng kaalamanan patungkol sa nasabing mga pook, maikling pagsubok at magsilbing talaan ng iyong karanasan.
 


History of Malolos

            Ang Lungsod ng Malolos (o City of Malolos sa wikang Ingles) ay isang unang bahaging lungsod sa Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan. Ito ang kabisera ng lalawigan. Matatagpuan ito mga 40 kilometro sa hilaga ng Maynila. Hangganan ng Malolos ang Calumpit sa hilaga, ang Plaridel at Bulacan sa silangan, ang Paombong sa kanluran at look ng Maynila sa timog. May populasyon ito ng 175,291 katao sa 36,663 mga sambahayanan sang-ayon sa sensus noong 2000.
            Kilala ang Bayan ng Malolos sa pagiging kabisera ng Unang Republika ng Pilipinas. Naglundo rito ang maraming patriotikong nakilahok sa pagtatayo ng Republika ng Pilipinas. Sa simbahan ng Barasoian ginawa’t pinagtibay ang Unang Konstitusyon ng Pilipinas at ang Katedral ng Malolos ang nagging tanggapan ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang Pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan kasama niya ang tagapayo at kalihim na si Apolinario Mabini.
            Batay sa alamat, nagbuhat ang pangalang "Malolos" sa salitang Tagalog na "Paluslos". Ang kahulugan ng salitang ito ay pagdaloy o pag-agos ng tubig buhat sa ilog patungo sa mga bayan ng Plaridel (Quingua) at Calumpit. Kung bumabaha, ang agos o paluslos ay patungo sa Ilog Pasig, kaya ang bayang ito ay tinawag na Malolos. Ito rin daw ay sanhi ng di pagkakaunawaan ng mga unang misyonerong nakarating sa pook na iyon. Nakakita raw ang mga pari ng mga katutubong naninirahan sa baybayin (Kanalate ngayon ang tawag sa pook na ito). Tinatanong nila ang pangalan ng pook na iyon. Hindi naintindihan ng katutubo ang tanong ng mga misyonero. Pababa iyong pook kaya sinabi niyang "paluslos". Hindi naman iyon mabigkas ng mga misyonero at "malolos" ang bigkas nila. Simula noon iyon na ang nagging tawag dito.
            Buhat sa isang maliit na pamayanan ang Malolos na sinimulan ng mga misyonerong Kastila. Dating basal na kagubatan ito na nilinis ng mga Kastila (na kung saan nakuha ang mga pangalan ng barangay nito - sa mga "Punong-kahoy"). Sa gayon, dumami na ang populasyon, lalong lumaki ang pook nang magkaroon ng malaking simbahan. Simula pa noong 1580, sinimulan na ang pagtatayo ng munisipyo sa Paseo del Congreso na ngayo’y bahagi ng Barangay San Agustin.
            Hinati ang Malolos noong 31 Agosto 1859 sa tatlong distrito: Poblacion, Barasoian at Sta. Isabel, bawa’t bayan ay may "kapitan" at "Kura Paroco". Noong 1903, ang Barasoain at Santa Isabel ay isinamang muli sa Bayan ng Malolos.
            Ang Malolos ay naging kabisera ng Pilipinas nang ilipat ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Malolos noong 10 Setyembre 1898. Ang pagiging kabisera ng Malolos ay tumagal hanggang 31 Marso 1899 nang masakop ni Heneral Arthur McArthur ang Malolos.



Bulacan Capitol
            Ang kapitolyo ng bulacan ay matatagpuan sa tabi ng pangunahing highway na patungo sa pampanga o di kaya ay maynila, ang itsura at disenyo ng kapitolyo ay sinasabing ginawa o binuo noong panahon ng pananakop ng mga amerikano taong 1950's. Magarbo kung titingnan mula sa plaza ang buong kapitolyo, nagtataglay ito ng pinagsamang neyo-klasikal at malikhaing disenyo. Sa loob nito, nangingibabaw ang istilo kaysa mga kaganapan. Ito ay mayroong kahanga-hanga ngunit dakilang impresyon sa ating  probinsya.



Ito ay isang malaking kulay puting edipisyo sa pangunahing (main) highway. Nandito ang mga opisina ng gobernador pati na rin ang panlalawigang tanggapang administratibo. Ang kapaligiran ng gusali ay pinapanatiling maganda at maayos. Sinabing ang Malolos ay isa sa mga pinakamalinis na bayan sa buong bansa.




Barasoain Church
            Kilala rin bilang "Our Lady of Mt. Carmel Parish Church", romano katolikong simbahan na itinayo noong 1630 sa bayan ng Malolos lalawigan ng Bulacan. Taglay nito ang titulong "Cradle of Democracy in the East", pinakamahalaga at relihiyosong straktura sa Pilipinas, dito itinatag ang unang republika ng Pilipinas, ang simbahang ito ay "proverbial" dahil sa kahalagahang binigay nito sa kasaysayan nating mga Pilipino.




          Noong nagsimula ang rebulusyon, ang mga otoridan na spanyol ay ginamit ang katagang "baras ng suwail," na ibigsabihin ay "dungeon of the defiant" dahil ang simbahan ay nagsilbing tagpuan ng mga anti-Spanish at anti-colonial illustrados.



Cojuanco’s House
            Ang mansyon ni Jose Cojuanco ay matatagpuan sa Paseo Del Congreso malapit sa simbahan ng Barasoain, ito ay ang matanda at orihinal na bahay ni Jose Chichioco Cojuanco.
          Si Jose Chichioco Cojuanco ay dating kinatawan ng unang distrito ng Tarlac. Si Cojuanco ay ang patriyarka o pinuno ng kanilang angkan. Siya din ang ama ng dating pangulong Corazon Cojuanco Aquino at lolo ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na si Pang. Benigno Aquino III.




Ang maliit na bahay sa tabi ay isang kamalig na imbakan ng palay. Ang nanay ni Jose Cojuangco ay pumupunta sa binondo, Manila gamit ang sasakyang bangka.


Casa Real
          Ang Casa Real ay isang palimbagan noon na matatagpuan sa Republika ng Malolos, ito ay muling isinaayos noong 1852 at ginawang silid aklatan ng munisipalidad. Sa kasalukuyan, ito ay nasa ilalim ng pamamahala ng National Historical Institute at nagsisilbing huling sisidlan o taguan ng mga memorabilya na nananatiling buhay.



Casa Real ay inihandog para sa 20 kababaihan ng Malolos na tumulong upang maitayo ang “first adult school for women” noong 1889. Lahat ng 20 kababaihan ng Malolos mula sa Chinese-Filipino na pamilya at nanirahan sa pariancillo o Chinese mestizo district ng Malolos.




Casa Tribunal
Casa Tribunal de Malolos, itinayo noong 1800s na pagmamay-ari ng Adriano Clan, at naging kulungan noong First Philippine Republic.





Ito ay itinayo noong 1800s at ginamit na orihinal and kauna-unahang Municipal Hall ng Malolos mula 1859 hanggang 1899.


Instituto De Mujeres
 Ito ay matatagpuan sa Sto Nino street sa Calle Pariancillo. Dito ipinadala ni Rizal ang tanyag na liham niya para sa 21 kababaihan ng Malolos na nagpetisyon kay Gobernor General Valeriano Weyler para sa “night school for women” noong Disyembre 12, 1888.





Ang translasyon ng “Mujeres” sa ingles ay women.


Bautista House
Ang mansyon ng Bautista-Uytangcoy sa Sto. Niño St. ay mayroong neo-klasikong disenyo at itinayo noong 1850s na muling inayos o pinaganda noong 1877 na may temang “French Art Nouveau style”. Ito ang Secretaria de Fomento at tahanan ni Don Antonio Bautista, (Aguinaldo's Secretary of the Interior). Matatagpuan ditto ang mga memorabilya kabilang na ang orihinal na watawat ng KKK at dito kinausap nina José Rizal at Marcelo H. del Pilar ang 21 kababaihan ng Malolos noong Hunyo 27, 1892.





          Nasa loob matatagpuan ang ilang obra nina Fernando Amorsolo, Lorenzo Guerrero at Felix Ressureccion-Hidalgo.


The Lino and Reyes House

It is along Estrella Street, across the cathedral. This house served as the office of Apolinario Mabini when he was appointed as chief adviser to President Aguinaldo. It was said that Mabini and Aguinaldo were often heard arguing from this house. It once housed Aguinaldo's Secretary of Exterior. It has an octagonal rose window and a weather vane on top of the roof.



          Ang bahay na ito’y ginamit ni Apolinario Mabini bilang kanyang opisina noong malolos Congress, sabi nila dito din palaging nagtatalo sina Mabini at Aguinaldo.


Katedral ng Malolos
      Ang Katedral ng Malolos na mas kilala sa Basilica Minhore dela Immaculada Concepcion, naging unang presidential quarters ni Hen. Emilio Aguinaldo, pangulo ng unang republika ng Pilipinas. Sa panahon ng administrasyon ni Aguinaldo, ang Malolos partikular na ang katedral ay ang naging sentro ng gobyerno.



          Sinunog ng pwersa ni Pangulong Aguinaldo ang simbahan ng Malolos matapos nila itong lisanin papatakas sa parating na mga Amerikano, Marsh 31, 1899.



Kalayaan Tree
        Matatagpuan sa harap ng Basilica Minore. Ito ay isang daang taong puno mas kilala sa tawag na kalayaan tree o Siar tree na itinanim ni Pangulong Aguinaldo sa panahon ng paghinto ng makasaysayang Malolos Convention.


          Ang unang pangulo ng pilipinas Gen. Aguinaldo ang siyang nagtanim nito.sinasabi na dito madalas naguusap si Gen. Aguinaldo ng pulitikal na diskusyon.